The Yaj Computers Portal

Post Top Ad

Post Top Ad

Showing posts with label PILIPINO. Show all posts
Showing posts with label PILIPINO. Show all posts

Monday, June 25, 2018

6:35 AM

Sawikain (Saying)

Ang sawikain ay kasabihan o' kawikaan na may dalang aral na maaaring tumukoy sa isang idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal. Ang sawikain ay tinatawag din na idioma. Ito'y salita o' grupo ng mga salitang patalinghaga ang gamit at hindi nagbibigay ng tuwirang kahulugan. Ang sawikain ay maari ring isang moto o mga parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao. Kadalasang malalim ang mga gamit na salita at pinapalitan ang pangkaraniwang pagtawag sa isang bagay at ginagawang matatalinhagang pahayag.

Mga Halimbawa ng Sawikain o Idyoma

Halimbawa ng Sawikain #1: Ikurus sa noo
Kahulugan: Tandaan
Halimbawa ng Gamit: Ang mga aralin sa eskwela ay dapat ikurus sa noo.

Sawikain #2 : Butas ang bulsa
Kahulugan: walang pera
Halimbawa ng Gamit:  Nagsusugal si Juan kaya palaging butas ang bulsa.

Halimbawa ng Sawikain #3: Ilaw ng tahanan
Kahulugan: Ina
Halimbawa ng Gamit: Mahal na mahal namin ang aming ilaw ng tahanan.

Halimbawa ng Sawikain #4:  Bahag ang buntot
Kahulugan: Duwag
Halimbawa ng Gamit: Palibhasa bahag ang buntot mo kaya takot ka sa dilim.

Halimbawa ng Sawikain #5:  Ibaon sa hukay
Kahulugan: Kalimutan
Halimbawa ng Gamit: Ibaon mo na sa hukay ang nakaraan.

Halimbawa ng Sawikain #6: Balitang-kutsero
Kahulugan:  Balitang hindi totoo o' walang kasiguraduhan
Halimbawa ng Gamit: Kay naku, nagpapaniwala ka diyan kay Juan eh puro balitang-kutsero ang alam.

Halimbawa ng Sawikain #7:  Bukas ang palad
Kahulugan: Matulungin
Halimbawa ng Gamit: Ang mga taong bukas ang palad ay pinagpapala ng Panginoon.

Halimbawa ng Sawikain #8: Nagbibilang ng poste
Kahulugan: Walang trabaho
Halimbawa ng Gamit: Itong si Juan ubod ng tamad, araw araw nagbibilang ng posteBakit siya ay nagbibilang ng poste?

Halimbawa ng Sawikain #9: Alilang-Kanin 
Kahulugan: isang utusang walang bayad kundi pakain lang. Maari ring utusang ang bayad ay pabahay at pakain lamang ngunit walang ibang suweldo.
Halimbawa:"Alicia, huwag ka namang masyadong masungit sa katulong natin, alalahanin mong alilang-kanin siya."

Ano ang Kaibahan ng Salawikain at Sawikain?

Ang Salawikain at Sawikain ay bahagi na ng kulturang Pilipino. Ang mga ito ay kabilang na sa mga pinakamatandang kasabihan at pahayag ng damdamin, kaisipan at mga ninanis sa buhay na nalinang at ginagamit mula pa sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Masasabi nating ang mga ito ay kasama na sa matatawag nating kayamanan ng kulturang Pilipino. Ang mga Salawikain at Sawikain ay mga hiyas ng ating wika, mga salita ng ating mga sinaunang ninuno na naipamana sa sumunod na mga henerasyon. Ang mga ito ay nagtataglay ng karunungan at kaalaman sa tradisyonal na kulturang Pilipino.
Marami ang nalilito kung ano ang kaibahan ng salawikain at sawikain. Dahil dito, ninanais kong ipaliwanag ang konting kaibahan ng dalawa.

Ang 
Salawikain (Philippine Proverb) ay pangungusap ma nakugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal ng tao. Ito'y isang sambit lang, patabis na nakasalalau sa isang matandang paniniwala at pandaigdig na katotohanang malaon nang ginagamit. Ang salawikain ay hango rin sa mga aral na nakuha sa pang araw araw na pamumuhaymay. Ang mga salita nito ay mas malalim. Ang mga kasabihang ito ay nagmula sa mga pahayag at pangaral ng mga matatanda.

Ang 
Sawikain (Filipino idiom or idiomatic expression) ay mga idyoma. Isa itong uri ng pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa atin, gamit ang ating wika. Ang mga ito ay base rin sa pang-araw-araw na pamumuhay at pakikisamaluha sa kapwa. Ito ay maaaring isang parirala o pangungusap, na ang ibig sabihin ay lubos na naiiba mula sa mga literal na kahulugan ng mga salita na binubuo ng idyoma o pansalitain na ekspresyon. 

Monday, July 21, 2014

3:03 AM

Mga Bugtong at Sagot


Mga Bugtong at Sagot
1.      Bastong hindi mahawak-hawakan, sinturong walang mapaggamit-gamitan. (ahas)
2.      Bahay ni ka huli, haligi'y balibali, ang bubong ay kawali. (alimango)
3.      Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo. (aso)
4.      Kahit hindi tayo magkaano-ano, ang gatas ng anak ko, ay gatas din ng anak mo. (baka)
5.      Ibon kong saan man makarating, makababalik kung saan nanggaling. (kalapati)
6.      Bagama't maliit, marunong nang umawit. (kuliglig)
7.      Dala mo't sunong, ikaw rin ang baon. (kuto)
8.      Hulaan mo, anong hayop ako. Ang abot ng paa ko'y abot rin ng ilong ko? (elepante)
9.      Kung manahi 'y nagbabaging at sa gitna'y tumitigil. (gagamba)
10.  Kulisap na lilipad-lipad, sa ningas ng liwanag ay isang pangahas. (gamugamo)
11.  Isang uod na puro balahibo, kapag nadikit sa iyo ang ulo, tiyak mangangati ang balat mo. (higad)
12.  Isda ko sa tabang, pag nasa lupa ay gumagapang. (hito)
13.  Ang lokong si Hudas, dila ang tsini-tsinelas. ( suso)
14.  Heto na si kurdapya may sunong na baga. ( manok)
15.  Isdang parang ahas, sa karagatan pumapagaspas. (igat )
16.  Bato na ang tawag ko, bato pa rin ang tawag mo, turan mo kung ano. (ibong batu-bato)
17.  Ibon kong kay daldal-daldal, ginagaya lang ang inuusal. (loro)
18.  Hakot dito hakot doon, kahit maliit ay ipon ng ipon. (langgam)
19.  Pag munti'y may buntot, paglaki ay punggok. (palaka)
20.  Tumatanda na ang nuno, hindi pa rin naliligo. (pusa)
21.  Narito na si pilo, sunong-sunong munting pulo. ( pagong)
22.  May alaga akong hayop, malaki ang mata kaysa tuhod. (tutubi)
23.  Kawangis niya'y tao, magaling manguto, mataas kung lumukso. (unggoy)
24.  Anong insekto sa mundo na naglalakad na walang buto. (uod)
25.  Naghain na si Lolo, unang dumulog ay tukso. (langaw)
26.  Heto na si Ingkong, bubulong-bulong. (bubuyog)
27.  Iisa na, kinuha pa. Ang natira ay dalawa. (tulya)
28.  Hindi naman bulag, di makakita sa liwanag. (paniki)
29.  Maliit pa ang linsiyok, marunong nang manusok. (lamok)
30.  Munting anghel na lilipad-lipad, dala-dala'y liwanag sa likod ng pakpak. (alitaptap).
31.  Pagkatapos na ang reyna'y makapagpagawa ng templo, siya na rin ang napreso. (anay)
32.  Pinisa ko at pinirot bago sininghot. (surot)
31.  Nakakalakad ako sa lupa, nakakalangoy din ako sa sapa, nakakalipad din ako ng kusa. (gansa)
32.  Umuusad-usad sapagkat sa paa ay salat, pinahihirapan pa ng pasan-pasang bahay na ubod ng bigat.(kuhol)
33.  Hindi hayop hindi tao,nagsusuot ng sumbrero. Sagot: Sabitan Ng Sumbrero
34.  Naligo si Adan,hindi nabasa ang tiyan. Sagot: Sahig
35.  Hindi Linggo,hindi piyesta,naglawit ang bandera. Sagot: Dahon ng saging
36.  Bulaklak muna ang dapat gawin,bago mo ito kanin. Sagot: Saging
37.  Sapagkat lahat na ay nakahihipo;walang kasindumi't walang kasimbaho;bakit mahal nati't ipinakatatago. Sagot: Salapi (pera) 
38.  Bagama't nakatakip, ay naisisilip. Sagot: Salamin ng mata
39.  Aling mabuting retrato ang kuhang-kuha sa mukha mo? Sagot: Salamin (mirror)
40.  Buto't balat, lumilipad. Sagot: Saranggola
41.  Hindi naman hari, hindi naman pare, nagsusuot ng sarisari. Sagot: Sampayan
42.  Sinampal ko muna bago inalok. Sagot: Sampalok
43.  Ang ulo’y nalalaga ang katawa’y pagala-gala. Sagot: Sandok
44.  May punong walang sanga, may dahong walang bunga. Sagot: Sandok
45.  Kung tawagin nila’y “santo” hindi naman milagroso. Sagot: Santol
46.  Alipin ng hari, hindi makalakad, kung hindi itali. Sagot: Sapatos
47.  Walang sala ay ginapos tinapakan pagkatapos. Sagot: Sapatos
48.  Huminto nang pawalan, lumakad nang talian. Sagot: Sapatos
49.  Baboy ko sa parang, namumula sa tapang. Sagot: Sili
50.  Isda ko sa Maribeles, nasa loob ang kaliskis.Sagot: Sili
51.  Munting tampipi puno ng salapi. Sagot: Sili
52.  Isang lupa-lupaan sa dulo ng kawayan. Sagot: Sigarilyo
53.  Hiyas akong mabilog, sa daliri isinusuot: Sagot: Singsing
54.  Buklod na tinampukan, saksi ng pag-iibigan. Sagot: Singsing
55.  Dikin ng hari, palamuti sa daliri. Sagot: Singsing
56.  Ipinalilok ko at ipinalubid, naghigpitan ang kapit. Sagot: Sinturon
57.  Nang munti pa at paruparo, nang lumaki ay latigo. Sagot: Sitaw
58.  Utusan kong walang paa’t bibig, sa lihim ko’y siyang naghahatid, pag-inutusa’y di n babalik. Sagot: Sobre
59.  Kaban ng aking liham, may tagpi ang ibabaw. Sagot: Sobre
60.  Walang paa, lumalakad, walang bibig, nangungusap, walang hindi hinaharap na may dala-dalng sulat. Sagot: Sobre
61.  Alin sa mga santa ang apat ang paa? Sagot: Sta. Mesa
62.  Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin. Sagot: Sumbrero
63.  Isang tabo, laman ay pako. Sagot: Suha
64.  Isang panyong parisukat, kung buksa'y nakakausap. Sagot: Sulat
65.  Kahoy ko sa Marigundong, sumasanga'y walang dahon. Sagot: Sungay ng Usa
66.  Usbong ng usbong, hindi naman nagdadahon. Sagot: Sungay ng Usa
67.  Pitong bundok, pitong lubak, tigpitong anak. Sagot: Sungkahan
68.  Aso ko sa muralyon, lumukso ng pitong balon. Sagot: Sungkahan
69.  Isang bahay na bato, ang takip ay biloa. Sagot: Suso (snail)
70.  Aling bagay sa mundo, ang inilalakad ay ulo? Sagot: Suso (snail)
71.  Dalawang punsu-punsuhan, ang laman ay kaligtasan.Sagot: Suso ng Ina
72.  May tubig b pingpala, walang makakakuha kundi bata. Sagot: Suso ng Ina
73.  Naaabot na ng kamay, iginawa pa ng tulay. (Sagot: Kubyertos) 
74.  Wang itak, walang kampit, Gumagawa ng bahay na ipit. (higad)
75.  Nagsaing si Hudas, kinuha ang hugas, itinapon ang bigas. (Gata ng Niyog)
76.  Kung pabayaan ay nabubuhay, kung himasin ay namamatay. (Makahiya)
77.  Puno'y layu-layo, Dulo'y tagpu-tagpo. (bundok)
78.  Sa init ay sumasaya, sa lamig ay nalalanta. (Akasya)
79.   Dalawang batong malalim, hindi maabot ng tingin. (Tenga)
80.  Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. Sagot: kandila 
81.  Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako. Sagot: langka 
82.  Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. Sagot: ampalaya 
83.  Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. Sagot: ilaw 
84.  Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. Sagot: anino 
85.  Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. Sagot: banig 
86.  Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. Sagot: siper 
87.  Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. Sagot: gamu-gamo 
88.  Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. Sagot: gumamela 
89.  Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay. Sagot: kubyertos 
90.  Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. Sagot: kulambo 
91.  Maliit pa si kumare, marunong ng humuni. Sagot: kuliglig 
92.  Baka ko sa palupandan, unga'y nakakarating kahit saan. Sagot: kulog 
93.  May bintana nguni't walang bubungan, may pinto nguni't walang hagdanan. Sagot: kumpisalan 
94.  Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. Sagot: palaka 
95.  Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa. Sagot: kasoy 
96.  Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. Sagot: paruparo 
97.  Dalawang batong itim, malayo ang nararating. Sagot: mga mata 
98.  Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita. Sagot: tenga 
99.  Sa maling kalabit, may buhay na kapalit. Sagot: baril 
1100.  Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi. Sagot: bayong o basket 
1101.  Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop. Sagot: batya 
1102.  Isa ang pasukan, tatlo ang labasan. Sagot: kamiseta 
1103. Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad. Sagot: saraggola 
1104. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa. Sagot: ballpen o Pluma 
1105. Nagbibigay na, sinasakal pa. Sagot: bote 
1106. May puno walang bunga, may dahon walang sanga. Sagot: sandok 
1107. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. Sagot: kampana o batingaw 
1108. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona. Sagot: bayabas 
1109.  Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa. Sagot: balimbing 
1110.  Maliit na bahay, puno ng mga patay. Sagot: posporo

You May Like to Read:

You May Like to Read:

Popular Posts