Ang kasabihan ay pahayag na nagbibibigay ng payo o nagsasaad ng katotohanan kung saan ang mga salitang ginagamit ay payak at madaling maintindihan.
A saying is a statement that gives advice or states a truth in which the words used are simple and easy to understand.
Nakagawian na ng mga Pilipino na maghayag ng kanilang mga pilosopiya sa buhay, mga karanasan, at mga bunga ng kanilang pagmamasid-masid, sa pamamagitan ng mga salawikaing may tugma at mga kasabihan.
MGA HALIMBAWA NG KASABIHAN EXAMPLES OF FILIPINO SAYINGS
Huwag kang magtiwala sa ‘di mo kakilala.Never trust someone you don’t know. / Never trust a stranger.
Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.If you don’t know how to look back to where you came from, you will not reach your destination.
Walang mahirap na gawa ‘pag dinaan sa tiyaga.Nothing’s hard to do if you pursue it through perseverance.
Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa kasaganahan.Well-being is in happiness and not in prosperity.
Ang di magmahal sa sariling wika ay mahigit pa sa hayop at malansang isda.A person who doesn’t love his own language is worse than beast and smelly fish.
Kapag makitid ang kumot, matutong mamaluktot.When the bedcover is short, learn to bend your body.
Ang tunay na pag-ibig sa bayan ay nasa pawis ng gawa.Genuine patriotism is in the sweat of action.
Ang batang makulit, napapalo sa puwit.
Ang batang matalino, nag-aaral ng husto.
Ang batang iyakin, nagiging mutain.
Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
Dapat lahat tayo ay magpakabuti, sapagkat ang kamatayan ay nakasunod parati.
Ang batang matapat, pinagtitiwalaan ng lahat.
Ang batang hindi matapat, ay masahol pa sa isang ahas sa gubat.
Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
Ang nagsasabi ng tapat, ay nagsasama ng matagal.
Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.
Ang buhay parang gulong, minsan sa ibabaw, minsa sa ilalim
Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
Magsipag tayo hanggang bata, para puro biyaya sa ating pagtanda.
Ang batang malinis ang katawan, ay malayo sa karamdaman.
Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan.
Ang malinis at maayos, malapit sa Diyos.
Ang kalinisan ng kapaligiran, ay magandang pagmasdan.
Ang masamang ugali ay isusuka ng lipunan.
Ang mabuting ugali ay patunay, ang maraming kaibigan
Ang mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli.
Sundin mo ang sinasabi ko, hindi ang ginagawa ko.
Ang batas ay hindi na kailangan, sa mga taong hindi gumagawa ng kasalanan.
Kung walang katahimikan, walang pagsulong ang bayan.
Ang kayamanang galing sa kasamaan, dulot ay kapahamakan.
Ang mayaman ay lalong yayaman, kung sakim at walang pakialam.
Ang taong walang tiyaga, ay walang yamang mapapala.
Kung may tiyaga, may nilaga.
Kung gusto mong buhay na sagana, laging isaisip ang salitang tiyaga.
Ang sipag at tiyaga kapag nagsama-sama, asahan mong bukas ay sagana.
Walang lihin na hindi nabubunyag, walang totoo na hindi nahahayag.
Ang katotohanan ang magpapalaya sa kasalanan.
Ang batang hindi nagsasabi ng katotohanan, walang tayong maaasahan.
Kung ang pagsasama ay walang katotohanan, hindi tatagal ang samahan.
Ang anak na magalang ay kayamanan ng magulang.
Ang tunay na karangalan, ay nag-uumpisa sa paggalang sa magulang.
Para igalang ang magulang, anak ay turuan.
Ang totoong kaibigan ay hindi ka uutangan.
Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay sasamahan.